Sumbong ng Isang Mommy

Maraming adventures si Joshwa lately

like naka-akyat sa bubong namin.

Nalingat ang bagong yaya at nakalabas

ng bubong buti na lang di nahulog. ..

We had to let the yaya go nung nag paalam

sya coz that was the second

accident nung sya ang nagbabantay.

The 1st one naiwan nya bukas ang

door nakalabas si Joshwa muntik na masagasaan

buti na lang nahawakan sya.

Joshwa will be going to school in June

sa Odea International School (pangalan lan yan

di talaga sya presyong International School)

Mas mahal pa ata ng 10k kung sakaling gawin

kong whole day ang ABA( applied behavioral

analysis behavior modification program)

kaya dun na lang kami uli 3x a week na ABA

plus school and OT & Speech pagdating ng June.

I have been feeling so guilty that I could

only afford to pay for the

OT and Speech and nothing else.

Sa sobrang di na kami makabayad

binitawan na kami ng ABA nya.

I understand and hold no grudge

against the center kasi negosyo yan eh.

Very lucrative ang business ng special kids.

( di ako sarcastic totoo ito)

Things have been hard for us lately as

far as finances are concerned.

Umalis ang husband ko papuntang

US para mag work. So hopefully by

June makaka enroll na si Joshwa.

Please help me pray for my husband

na maging okay sya US. Kasi in all honesty di

namin ma-afford ang services ng therapy centers

and help for my son kung walang money.

The foundation that I want Joshwa to get into is

BMAC ( Behavioral Management

for Autistic Children).Pero suerte lang ang

nakakapasok. 1 1/2 years na kaming waitlisted

tapos nag pa assess na si Joshwa sa kanila nung

November. Ang feedback na narinig ko ay parang

gusto nung Directress na i-pasok sa program

si Joshwa dun sa 15k a month (which is the lowest

the highest is at 60k a month) Kaya ko yan kung

sa kalsada kami nakatira at di kami kakain.

In all honesty di ko talaga kaya sya bayaran.

Kung kaya lang namin why would

we go through all that trouble of completing the

requirements at the expense of my son and the

help that he could get?

Im just a frustrated mom. I want all of what’s

best for my son. It’s hard to have a special child.

Ang hirap sa kalooban ng isang nanay na nakikita

mo nahihirapan ang anak mo tapos wala kang

magawa. Lalo na pag may masakit sa kanya kasi

di na nya masabi kung saan talaga masakit.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS

Leave a Reply

Switch to our mobile site